Muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) san publiko ang kahalagahan ng ‘safe sex’ para makaiwas sa pagkahawa ng human immunodeficiency virus (HIV).
“On an individual level, marami rin tayong mga pansariling hakbang na maaaring gawin upang mapigilan ang pagkalat ng HIV,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Sabi pa ng opisyal; “Let us always practice safe sex, regularly undergo HIV testing, and encourage all our friends and peers to do the same.”
Idinagdag naman ni DOH-Prevention and Control Bureau Program expert Roland Sardan na napakahalaga na may sapat na kaalaman ukol sa sexually transmitted infections (STIs).
“You would never go wrong with the right information and right knowledge about the disease and how it is spread, how it is transmitted, how you will protect yourself,” ayon kay Sardan.
Ayon na rin sa DOH, sa Asia-Pacific Region, ang Pilipinas ang may pinakamabilis na paglobo ng HIV cases sa 237% increase kada taon simula 2010 hanggang 2021.
Simula noong 1984, nakapagtala na ng 107,177 HIV cases sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.