Unggoy, naging sanhi ng nationwide blackout sa Kenya
Nawalan ng kuryente ang buong bansa ng Kenya matapos makapasok sa power station ang isang unggoy.
Ayon sa report ng BBC, nahulog ang unggoy sa isang napakahalagang piyesa ng equipment sa Gitaru hydroelectric power station.
Dahil dito, naputulan ng 180 megawatts na supply ng kuryente ang powerplant na ikinakalat sa buong bansa.
Ibinahagi ng electricity provider ng Kenya na KenGen ang pangyayari sa kanilang Facebook page.
Sa kabila ng pangyayari, kinumpirma naman ng KenGen na agad naman nilang naibalik ang supply ng kuryente at maisa-ayos ang mga power generating units at transformer na naapektuhan.
Samantala, ligtas naman ang kalagayan ng unggoy na sinasabing isang vervet monkey, at ibinigay na rin siya sa Kenyan Wildlife Service.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.