Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga bagong talagang Ambassadors Extraordinary at Plenipotentiary na humanap ng mga oportunidad para sa pagnenegosyo at partnerships sa bansa.
Sa courtesy call sa Palasyo ng Malakanyang, hinimok ng Pangulo ang mga bagong ambassador na patuloy na makipag-komunikasyon at itaguyod ang interes ng Pilipinas para mapaigting pa ang partnerships sa ibang bansa.
“And whether or not they are allies, whether or not they are friendly, nonetheless, it is very important that we continue to communicate, that we continue to engage, that we continue to have a way to explain what the Philippines is trying to do, how the Philippines sees its role in the community of nations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“I think it is important [that] we now look and be very, very conscientious about finding opportunities for the Philippines that might be good for the Philippines,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na mahalaga para sa Pilipinas na maselyuhan ang partnerships sa ibang bansa para makabangon sa pandemya sa COVID-19.
“And in this time, I think it is very important that those partnerships are created and strengthened,” dagdag ng Pangulo.
“It is important that we have partners as we try to navigate out of this pandemic economy, out of the crisis that we have had to attend to and deal with as an effect of the Ukraine conflict,” dagdag ng Pangulo.
Kabilang sa mga nag-courtesy call ang mga ambassadors mula sa Argentine Republic, Belgium, Brazil, Czech Republic, Indonesia , Israel, Italian Republic, Japan, Jordan, United Mexican States, Qatar, Singapore at United Arab Emirates.