Talalora, Samar niyanig ng 4.6 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 4.6 magnitude na lindol ang Talalora, Samar kaninang 4:05 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 137 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity IV sa San Roque, Northern Samar.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Quinapondan, Eastern Samar at sa Javier sa Leyte.

Ayon sa Phivolcs, wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa lindol.

Wala ring naiulat na aftershocks o nasirang mga ari-arian.

 

Read more...