Kuntento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa trabaho nina Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Department of National Defense office-in-charge Jose Faustino Jr.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maging mapagpasensya muna at maghintay ng permanenting kalihim ng dalawang kagawaran.
“So let’s be patient. Basta’t na… Ako, ang concern ko lang ‘yung kailangang gawin na trabaho, nagagawa. So far naman, nagagawa,” pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na sa ngayon, maayos na nagtatrabaho si Vergeire.
“We just go to the process. Wala pa kaming DOH. Wala pa kaming inino-nominate. Usec. Vergeire is doing a fine job. Let her do — kasi we are still not out of the pandemic, so we have to continue to be careful,” pahayag ng Pangulo.
Sa panig ni Faustino, sinabi ng Pangulo na masaya naman siya ngayon sa sitwasyon.
“Sa DND, no I think — I think happy ako with the situation as it is now. We’ll see. We always — these things are revisited especially every year at the end of the first year. I don’t think that’s any — that’s a secret to anyone that at the end of the first year, ‘yung mga ibang kandidato, they will now join the mix of possible nominees,” pahayag ng Pangulo.