BINUKSAN ng Globe ang mahigit 600 TMBayan Fiber WiFi hubs hanggang noong katapusan ng Oktubre upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa connectivity sa buong bansa.
Nakamit ng TMBayan Fiber, ang pioneering prepaid fiber offer ng Globe, ang naturang milestone dalawang buwan lamang makaraang ilunsad ang serbisyo upang mas maraming Pilipino ang maabot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Partikular itong nagseserbisyo sa mga kabataan, nagkakaloob ng malakas at maaasahang connectivity.
Patuloy na pinalalawak ng Globe ang TMBayan hubs nito sa pagkuha ng mas maraming local retailers para magsilbing connectivity partners, at kasabay nito ay mabigyan sila ng bagong mapagkakakitaan.
“Our TMBayan Fiber WiFi service provides our partners a new earning opportunity as many Filipinos are still working towards recovery from the worst of the pandemic. It is a way to further empower and boost their businesses as they become the community’s new favorite ‘tambayans’ or hangouts,” ani Janis Legaspi-Racpan, Globe At Home Brand Management Head.
Inilunsad ng Globe ang unang prepaid community fiber nito sa National Capital Region (NCR); Luzon kabilang ang Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna; Visayas, partikular sa Cebu at Tacloban; at Mindanao, kabilang ang Davao del Norte, Davao del Sur at Zamboanga.
Ang hubs ay nagkakaloob sa neighborhood tambayans tulad ng sari-sari stores at iba pang community centers ng mabilis at maaasahang fiber connectivity na mahalaga para sa gaming, browsing, streaming at paglikha ng content na ibabahagi sa mga kaibigan.
Sa pamamagitan ng TMBayan Fiber WiFi, ang mga Pinoy ay makaka-access Fiber strong internet connectivity sa halagang P50, unlimited sa loob ng tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.