GSIS, SSS inanunsiyo ang pagpapalabas ng ’13th month and Holiday pensions’ na aabot sa P33B

December 01, 2022 - 01:45 PM

Aabot sa kabuuang P33 bilyon ang ilalabas ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na 13th month at Christmas pensions.

Nabatid na P29.74 bilyon sa bahagi ng GSIS, samantalang P3.35 bilyon naman sa SSS.

Ang unang batch ng 3.36 milyong pensioners ng SSS ay makakatanggap ng 13th month pension ngayon linggo at ang susunod na batch naman ay sa Disyembre 4.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Michael Regino ang halaga ay katumbas ng buwanang pensyon ng kanilang pensioners.

Samantala, sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso ang matatanggap naman ng kanilang pensioners ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon hanggang P10,o00.

Paliwanag niya ang mga nagretiro noong 2018 hanggang ngayon taon na kinuha ang 18-month cash payment ng kanilang basic monthly pension, ay tatanggap ng cash gift makalipas ang limang taon.

 

TAGS: 13th month, cash gift, GSIS, Holiday, Pension, sss, 13th month, cash gift, GSIS, Holiday, Pension, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.