86% trust and approval ratings sa PBBM – VP Sara tandem

 

Mayorya ng mga Filipino ang tiwala at sang-ayon sa mga ginagawa nina Pangulong Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte.

May apat lamang na walang bilib sa kina Pangulong Marcos Jr., at Duterte, samantalang 10 porsiyento ang ‘undecided.’

Nakuha ni Pangulong Marcos Jr., ang pinakamataas na trust rating sa Mindanao sa 92% at ang pinakamababa niya na 82% ay sa Metro Manila.

Napakataas na 98% naman ang trust rating kay Duterte sa Mindanao at pinakamababa niya ay sa Balance Luzon na 81%.

Ang kanilang performamce ratings naman ay 78% sa Punong Ehekutibo at 80% sa Pangalawang Pangulo.

Isinagawa ang survey mula Oktubre 23 hanggang 27 at ito ay may 1,200 adult respondents.

Read more...