Pribadong thanksgiving party sa Cebu, dinaluhan ni Duterte

 

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Tumungo si incoming President Rodrigo Duterte sa Cebu City, Miyerkules ng gabi, para daluhan ang isang pribadong thanksgiving party na inorganisa para sa kaniya ng isang grupo.

Gumamit si Duterte ng private plane, at nakarating sa Cebu Country Club na pinag-ganapan ng party dakong alas-8 ng gabi.

Tinatayang nasa mahigit 200 ang mga bisita sa nasabing pagtitipon ang mainit na tumanggap kay Duterte, kabilang na ang mga negosyante, bloggers at mga bagong talagang Cabinet secretaries.

Sinalubong siya ni Michael Dino na co-founder ng Bisaya Na Pud Movement at naitalagang presidential assistant to the Visayas.

Dahil isa itong pribadong pagtitipon, walang media na pinayagang makapasok sa loob.

Nakasingit naman ng pagkakataon si Duterte na lumabas sa venue upang makausap ang mga taong naghihintay sa kaniya sa labas.

Humingi siya ng pasensya dahil mahigpit na ang kaniyang seguridad, at nagpasalamat siya sa mga Cebuano sa kanilang mainit na pag-suporta na nagresulta aniya sa pagkakaroon nila ng presidenteng Bisaya.

Ang pagtitipong ito ay inorganisa para pasalamatan at batiin si Duterte sa kaniyang pagka-panalo.

 

 

Read more...