Tulfo, ilan pang senador binatikos ang utos ng BFAR sa pagbebenta ng pompano, salmon

By Jan Escosio November 30, 2022 - 09:51 AM
Kinuwestiyon ni  Senator Raffy Tulfo ang utos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang pagtitinda ng mga imported na isda na pompano at pink salmon sa mga palengke simula ngayong Disyembre. Ginawang batayan ng kautusan na ito ng BFAR ang Fisheries Administrative Order 195 kung saan ang binibigyan lamang ng exception sa certification para sa importasyon ng isda ay para sa canning at processing purposes. Subalit, ipinagtaka ni Tulfo na ‘exempted’ ang mga hotels at restaurants. Sa kanyang privilege speech, ipinagdiinan ni Tulfo na lumalabas na  mayayaman na lamang na kayang kumain sa mga restaurants at hotels angomakakain ng pompano at pink salmon pero ang mga mahihirap na sa mga pamilihan lang makakabili ng imported na isda ay wala nang pagkakataong makakain nito. Giit ni Tulfo, ito ay malinaw na paglabag sa ‘equal protection’ at ang kautusan ng BFAR ay isang diskriminasyon laban sa mga maliliit na tindera sa merkado. Binatikos din ni Sen. Grace Poe ang utos ng BFAR sa pagsasabing isa itong uri ng diskeriminasyon dahil pinapaboran ang mga hotel at restaurant at kaawa-awa ang mga nagtitinda ng isda sa mga palengke.  “I am totally against and aghast by this department order,” diin ni Poe. Samantala, si Minority Leader Koko Pimentel inihirit ang malinaw na paliwanag ng BFAR sa naturang kautusan. Sa halip aniya sa mga nagtitinda at konsyumer nakatuon ang pansin ng BFAR dapat ay tutukan nila ang mga importer.

TAGS: BFAR, discriminatory, Isda, Senate, BFAR, discriminatory, Isda, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.