Lalaki at babae pasok sa binubuhay na mandatory college ROTC program

By Jan Escosio November 29, 2022 - 07:38 PM

SENATE PRIB PHOTO

Maging ang mga babaeng estudyante sa 1st at 2nd year college ay obligado nang sumailalim sa Reserve Officers Training Corps o ROTC.

Pagbabahagi ito ni Sen. Ronald dela Rosa, isa sa mga nagpanukala ng mandatory ROTC program, matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on National Defense and Security ukol sa mga panukala.

” You want gender equality, you don’t want to be considered as the weaker sex,  Kapag nilusob tayo, hindi lang naman mga lalaki ang tatamaan ng bala, pati mga babae tatamaan din ng bala,” pangangatuwiran ng senador.

Aniya iisang pagsasanay lang din ang pagdadaanan  ng mga lalaki at babaeng kadete.

Pagtitiyak niya na may mekanismo na, alinsunod sa ilang umiiral na batas, para bigyan proteksyon laban sa harassment at hazing ang mga kadete.

Tiwala pa ang dating hepe ng pambansang pulisya na maisasabatas sa susunod na taon ang panukala sa katuwiran na kabilang ito sa ‘priority measures’ ng administrasyong-Marcos Jr.

TAGS: college, harassment, hazing, rotc, college, harassment, hazing, rotc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.