Sharapova, suspendido ng 2 taon sa paglalaro ng tennis

By Jay Dones June 08, 2016 - 11:42 PM

 

Pinatawan ng dalawang taong suspensyon ng International Tennis Federation (ITF) ang tennis superstar na si Maria Sharapova sa paglalaro ng professional tennis.

Ang desisyon ng ITF ay bunsod ng pagpositibo nito sa paggamit ng banned substance na ‘meldonium’ sa  noong unang bahagi ng taon.

Una rito, isinailalim na sa provisional suspension si Sharapova noon March nang ianunsyo nito sa isang news conference na bumagsak siya sa doping test.

Giit ni Sharapova, hindi niya alam na ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency sa mga atleta na gumamit ng meldonium o mildronate.

Kanya aniyang ginagamit ang naturang gamot na gawa sa Latvia para sa kanyang heart condition.

Ayon naman sa kampo ni Sharapova, kanilang iaapela ang desisyon ng ITF.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.