Single ticketing system, ipatutupad ng LTO sa susunod na taon
Target ng Land Transportation Office na ipatupad na sa unang quarter ng taong 2023 ang single ticketing system.
Ayon kay LTO chief Jay Arthur Tugade, ito ay para magkaroon ng pantay-pantay na halaga ng multa sa mga pasaway na motorista.
Sa ngayon aniya, nagpapatuloy ang ginagawang konsultasyon sa mga stakeholders.
“Hindi naman po sa pinag-aaralan pong itaas ang mga violations; ang ginagawa po ngayon, isa nga po sa objective po noong single ticketing system is to harmonize the different traffic violations and the different traffic penalties being imposed by the different agencies authorized to issue traffic ticket. At saka iyong mga ibang LGUs po natin iba-iba rin po iyong mga penalty na pinapataw po nila sa mga iba’t ibang traffic violations,” pahayag ni Tugade.
Sa ganitong paraan din aniya ay mamonitor ng pamahalaan kung sino sa mga motorista ang sumusunod sa mga batas trapiko.
“Indirectly, this will really improve the traffic situation dahil nga po kaakibat po noong pag-implement po natin ng single ticketing system ay mamu-monitor na po natin at malalagyan po natin ng demerit points po iyong mga erring motorists natin. By doing this, sir, the idea is to relieve our roads from irresponsible drivers,” pahayag ni Tugade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.