85 porsyento sa mga Pinoy, naniniwalang nasa tamang landas ang mga programa ni Pangulong Marcos

By Chona Yu November 29, 2022 - 11:06 AM

Walumpot limang porsyento sa mga Filipino ang naniniwalang nasa tamang landas ang mga polisiya at mga programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Oktubre 23 hanggang 27, 6 na porsyento lamang ang nagsabi na hindi sila naniniwala sa mga programa ng Pangulo.

Siyam na porsyento naman ang hindi tumugon sa survey.

Nabatid na ang Visayas region ang nakapagtala ng pinakamataas na numero kung saan 91 porsyento sa mga adult Filipino ang nagsabi na tama ang mga ginagawa ng Pangulo.

Nasa 70 porsyento naman sa adult Filipino sa National Capital Region ang sumang-ayon sa mga programa ng Pangulo.

Nasa Class A, B, C, D at E ang tumugon sa survey.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, o, OCTA, Radyo Inquirer, survey, Ferdinand Marcos Jr., news, o, OCTA, Radyo Inquirer, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.