Mataas na internet at cellphone bills ng NIB idinepensa ng Malacañang

Herminio-Coloma-1211
Inquirer file photo

Todo-depensa ang Malacañang ang News and Information Bureau laban sa sinasabing sobra sobrang paggastos sa cellphone at internet service.

Ginawa ito ni Communications Sec. Sonny Coloma bilang reaksyon sa findings ng Commission on Audit (COA) na isa umano itong paglabag sa COA rules and regulations.

Ayon kay Coloma, sinagot na ng NIB ang nasabing report.

Ipinaliwanag ni coloma na kailangan ng ahensya ang internet connection upang magawa nito ang mandatong magbigay ng wasto at napapanahong impormasyon sa publiko at sa kaukulang mga opisyal ng pamahalaan.

Ang News and Information Bureau ang news coverage at media relations team ni Pangulong Noynoy Aquino.

Read more...