Bilang ng bagong COVID-19 cases bahagyang tumaas – DOH

By Jan Escosio November 29, 2022 - 10:28 AM

 

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,032 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa noong Nobyembre 21 hanggang 27.

Ito, ayon sa kagawaran, ay nagpakita ng pagtaas na 0.3 porsiyento kumpara sa naitalang bilang sa sinundan na isang linggo.

Ang daily average cases ay 1,147 at sa mga bagong kaso, lima ang severe at critical infections.

May kabuuang 599 pasyente ang kritikal ang kalagayan ngayon sa mga pagamutan na 9.3 porsiyento ng kabuuang COVID-19 patients sa bansa.

May naitalang 120 namatay, kabilang ang 17 noong Nobyembre 14 hanggang 27.

TAGS: COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer, COVID-19, doh, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.