Nanatiling sarado sa mga sasakyan ang Kennon Road kasunod ng malagim na aksidente kahapon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, sinabi nito na ang mga sasakyang papunta at pababa ng Baguio ay pinapayuhang dumaan sa Marcos Highway.
Ayon kay Domogan, patuloy ang mga pag-ulan sa Baguio City kaya’t kanselado ang mga klase sa pre-school.
Dalawa sa limang naipit sa pagguho ng lupa at bato mula ang nasawi. Dead on arrival ang biktimang si Marjorie Magsino, 33-taong gulang habangsa pagamutan na namatay ang 61-taong gulang na si Teresita de Guzman.
Nasugatan naman sina Phing de Guzman, 40-taong gulang, Ernesto Luis, 48-taong gulang, Jun Eric Sumyo, 23-taong gulang, Eugenio Henry,45-taong gulang at Mary Jane Lovino, 32-taong gulang.
Sa ulat ng PAGASA (Philippine Atmospheric Geophisical and Astronomic Services Administration), ang mga pag-ulan sa Baguio City at iba pang bahagi ng Mountain Province ay inaasahang magpapatuloy sa mga susunod na araw./Gina Salcedo