Danglas, Abra niyanig ng 3.6 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang Danglas, Abra kaninang 6:57 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Bangued , Abra habang naitala naman ang Instrumental Intensity I sa Vigan City at Sinait, Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks o tsunami matapos ang lindol.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.

 

Read more...