P9.9B halaga ng droga nasamsam sa apat na buwan ng PBBM-admin

By Jan Escosio November 28, 2022 - 08:23 PM

PDEA PHOTO

Umabot sa 4,159 illegal drug personalities ang naaresto, samantalang  may P9.9 billion halaga ng ibat-ibang droga ang nakumpiska sa halos limang buwan ng administrasyong-Marcos Jr.

Sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos, kabilang sa mga nasamsam na droga at 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon sa Tondo, Maynila; P408 milyong halaga din ng shabu sa Pampanga, at P173 milyong halaga sa Quezon City.

Tiniyak ng kalihim na hindi titigil ang pagsasagawa ng anti-drug operations sa layon na mabawasan na ang paghahanap ng mga drug-user at para sila ay matuloy sa rehabilitasyon.

“Hindi pa rin titigil ang mga raid sa drug dens at sa pagtugis ng pulisya at iba pang autoridad sa mga drug lords, financiers at sa mga naglalako ng droga. Tuloy-tuloy pa rin yan,” aniya.

Umaasa naman aniya ang gobyerno sa suporta ng pamayanan para matunton at mabuwag ang mga sindikato na nagpapakalat ng droga.

 

 

 

TAGS: DILG, drugs, PNP, shabu, DILG, drugs, PNP, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.