Angara: May ‘ayuda’ sa 2023 national budget

By Jan Escosio November 28, 2022 - 01:45 PM
Tiniyak ni Senator Sonny Angara na pagsusumikapan ng Senado na magtuloy-tuloy ang pagbibigay ng mga ayuda sa mga sektor na patuloy na nararamdaman ang epekto ng pandemya. Aniya hindi tulad ng mga ayuda na ipinamahagi sa kasagsagan ng pandemya tulad ng ‘cash dole outs,’ sinabi nito na ang ayuda na nakapaloob sa 2023 national budget ay may ‘target sector.’ “Ang hangarin natin ay mabigyan ng targeted ayuda para sa ilang sektor tulad ng ating mga healthcare workers, magsasaka, mangingisda, mga operator at drayber ng public utility vehicles, sa ating mga senior citizens, mga nawalan ng trabaho at pati na din ang pinakamahihirap nating mga kababayan,” ayon sa namumuno sa Senate  Committee on Finance. Sa P5.268 trillion 2023 budget, dagdag pa ni Angara, ay magpapatuloy ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development, gayundin ang dalawa pang social service programs ng kagawaran. Ibinahagi din ni Angara na ipinaglaban niya na maibigay na sa susunod na taon ang dagdag P500 sa buwanang pensyon ng mga mahihirap na senior citizens. Patuloy din na makakatanggap ng mga benepisyo at allowances ang mga healthcare workers at sapat din ang pondo na inilaan para sa ganap na pagkasa ng Universal Health Care law. Magpapatuloy din ang fuel subsidy sa sektor ng pampublikong transportasyon at tulong sa mga magsasaka at mangingisda. Pinondohan din ang  Universal Access to Quality Tertiary Education Program; Senior High School Voucher Program; Education Service Contracting for Junior High School; Student Financial Assistance Programs; Joint Delivery Voucher for Public Senior High School students and Tech-Voc Track students; at ang Private Education Student Financial Assistance Program. Maging ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

TAGS: Agriculture, ayuda, education, healthcare, transport, Agriculture, ayuda, education, healthcare, transport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.