Drug overdose reporting system nais ni Sen. Lito Lapid
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay makabuo ng isang reporting system ng mga kaso ng drug overdose sa bansa.
Paliwanag ni Lapid sa inihain niyang Senate Bill 1498 o ang Drug Overdose Reporting and Awareness System, oobligahin ang kalihim ng Secretary of Health na isapubliko dalawang beses kada taon ang mga detalye ng drug overdose cases sa bansa.
Naniniwala ang senador na sa ganitong paraan ay makakabuo ng mga istratehiya para maiwasan ang drug overdose.
“Aksidente man o sinadya ang drug overdose, naniniwala akong kaya pang agapan ang side effects nito at ang peligro sa buhay na maaaring idulot ng drug overdose. Mahalagang makapagbigay lamang ang mga responsable sangay ng gobyerno gaya ng DOH ng mga importanteng impormasyon gaya ng emergency services na pwede gawin sa mga makakaranas ng drug overdose. Ang drug overdose ay hindi dapat ipagsawalang bahala dahil may ilan na rin tayong mga kababayan na pumanaw dahil dito kaya isinusulong ko ang sapat na kaalaman kaugnay nito,” paliwanag ng senador.
Aniya ang ulat na isusumite ng kalihim ng DOH ay maglalaman ng mga impormasyon na magagamit para mabawasan ang drug overdose rate.
Pagtitiyak ni Lapid na ang lahat ng mga impormasyon at datos na makokolekta ay sasailalim sa proseso alinsunod sa RA 10172 o ang Data Privacy Act,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.