P2.23T 2023 budget dapat para sa bawat Filipino – Cayetano
Pinatitiyak ni Senator Alan Peter Cayetano sa mga kapwa mambabatas na mapapakinabangan ng bawat Filipino ang P5.268 trillion national budget sa susunod na taon.
Sinabi ito ni Cayetano matapos magsimula ang bicameral conference committee meeting ng mga senador at kongresista ukol sa unang pambansang pondo ng administrasyong-Marcos Jr.
Sa mga pagpupulong ay paplantsahin ang mga pagkakaiba sa bersyon ng 2023 General Appropriations Bill ng Senado at Kamara.
“We need a national budget that leaves no Filipino behind. Walang iwanan dapat,” aniya.
Umaasa din ang senador na ang layon ng pondo na pagpapa-unlad ay mararamdaman din sa ibang lugar sa bansa dahil aniya kadalasan ang mga alokasyon sa pondo ay pumapabor lamang sa Metro Manila at ibang mauunlad na bansa.
“We should make every effort to provide quality jobs all over the country and not just in Metro Manila, Cebu, Davao, and other urban centers. It’s time we replicate this growth in other regions,” dagdag pa nito.
Diin niya ang lahat ng Filipino, saan man sila nakatira sa bansa, ay kailangan maramdaman ang pag-angat ng buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.