Sa kabilang banda, sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad, na maari naman magtuloy-tuloy ang pagbaba ng halaga ng iba pang produktong-petrolyo
“Itong November, December, ito po yung pressure months dahil dito po ang buildup ng inventory dahil gumagamit ang northern hemisphere countries ng LPG for heating requirements sa winter period. Ito ay gagamitin dire-diretso, January, February, March ng next year, so inaasahan natin na tataas,” aniya ukol sa price hike sa LPG.
Ngayon buwan, tumaas na ng P3.50 ang bawat kilo ng cooking gas, samantalang P1.96 kada litro naman ang itinaas ng halaga ng auto LPG.
Ngunit, nilinaw din ni Abad na ang pagbaba ng halaga ng diesel at gasolina ay maaring matuldukan kung matutuloy ang sinasabing plano ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na bawasan pa ang kanilang produksyon ng langis.
“Mataas ang possibility na pataas sa LPG ang price, pero posible talagang pababa dun sa fuel products except lang kung ang sama na naman ng desisyon ng OPEC+. When I say masama, baka yung 2 million na target nilang pagbabawas ngayong month ng November ay dagdagan pa nila,” ayon pa sa opisyal.
Samantala, ngayon linggo ay mababawasan muli ang halaga ng kada litro ng diesel, P3.50 – P3.70, samantalang P2.20 – P2.40 sa kerosene at P1 – P1.20 sa gasolina.