Pabahay ng NHA sa Caloocan, ininspeksyon

By Chona Yu November 26, 2022 - 02:10 PM
Personal na ininspeksyon ni National Housing Authority General Manager Joebin Tai ang pabahay sa Caloocan City. Ayon kay Tai, nais niya kasing masiguro na de-kwalidad ang mga ipinatatayong pabahay ng NHA. Kasama ni Tai na nag-inspeksyon si NHA Caloocan District Office Manager Emelina Balaoing. Tatlong proyekto na pabahay ang ipinatatayo ng NHA sa Caloocan City. Unang tinungo ni Tai ang Deparo Residences kung saan 1,560 units ang ipinatatayo, kasunod ang Bagumbong Residences kung saan 480 pamilya ang makikinabang. Sunod na ininspeksyon ni Tai ang Bagong Silang Housing Project kung saan  300 housing units ang ipinatatayo roon. Si Tai anng nagsulong ng  Build Better and More (BBM) housing program para matugunan ang housing backlog sa bansa. Target ni Tai na sa ilalim ng kanyang pamumuno na makapagpatayo ng 1.3 milyong pabahay na de-kwalidad, resilient at abot kaya sa ordinaryong mga Filipino.

TAGS: caloocan, news, Pabahay, Radyo Inquirer, caloocan, news, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.