Sec. Erwin Tulfo dinipensahan ni Sen. Koko Pimentel sa isyu ng citizenship, libel conviction
Para kay Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III hindi isyu sa Commission on Appointments (CA) ang naging hatol sa kasong libelo kay Social Welfare Sec. Erwin Tulfo at sa kanyang US citizenship.
Sinabi ni Pimentel ang kasong libelo na isinampa laban kay Tulfo ay maari pang maayos at magkaroon ng kasunduan.
Naniniwala din ang senador na hindi makakaapekto sa appointment ng kalihim ang kaso.
Ukol naman sa sinasabing US citizenship ni Tulfo, natuklasan na mismong ang gobyerno ng Amerika ang hindi kumilala sa kalihim kayat sabi ni Pimentel na hindi nawala ang Filipino citizenship nito.
Paliwanag pa ni Pimentel maaring sa pananaw ni Tulfo ay naging US citizen siya ngunit ang kuwestiyon ay kung tinanggap siya ng Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.