Duterte at Robredo, last minute nagsumite ng kanilang SOCE
Isang oras bago ang itinakdang deadline, dumating sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila ang abogado ni President elect Rodrigo Duterte para magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sa SOCE ni Duterte, umabot sa 375.009 million pesos ang kanyang natanggap na donasyon at gumastos siya ng 371.641 million pesos.
Ibig sabihan nito, may tira si Duterte na 3.5 million pesos.
Wala naman pondo na ipinagkaloob ang kanyang partidong PDP Laban.
Pinakamalaking donor ni Duterte ay si Antonio Floirendo na nagbigay ng 75 million pesos.
Ilan pa sa mga nagkaloob ng donasyon kay Duterte ay sina Felix Ang, Bienvenido Tan at Dennis Uy na nasa 10 hanggang 30 million pesos.
Samantala, alas kuwatro naman ng hapon nagsumite ng SOCE ang abogado ni Vice President elect Leni Robredo.
Umabot sa 423 million pesos ang natanggap na campaign funds ni Robredo at gumastos siya ng 418 million pesos.
Wala rin natanggap na donasyon si Robredo mula sa Liberal Party.
Hanggang alas singko ng hapon ngayong araw ang deadline ng pagsusumite ng SOCE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.