IRR ng SIM Registration Law minamadali, scam texts mababawasan – Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio November 25, 2022 - 08:43 AM
Senate PRIB photo

 

Tiwala si Senator Sherwin Gatchalian na malaki ang mababawas sa bilang ng mga kumalat na scam at spam text messages.

Ito ayon sa senador ay dahil minamadali na ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM Registration Law para maipatupad na ito.

Aniya naobserbahan niya na sa kabila ng pagkakaroon ng batas, patuloy pa rin ang pagbaha ng scam at phishing messages sa cellphones.

Inaasahan na sa darating na Disyembre 27 ay maipapatupad na ang batas.

Sa darating na Disyembre 5 ay magsasagawa ang National Telecommunications Commission (NTC) ng pagdinig ukol sa batas para sa pagpalantsa sa IRR.

Sa batas, kailangan ay iparehistro muna ang SIM bago ito magagamit gamit ang valid IDs.

TAGS: IRR, news, Radyo Inquirer, sim, win gatchalian, IRR, news, Radyo Inquirer, sim, win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.