DFA chief umaasa sa pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea sa dalawang taon
Sa loob ng isa hanggang dalawang taon ang inaasam ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ng pagkakaroon ng Code of Conduct (COC) sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.
Pagbabahagi ni Manalo bago tumama ang pandemya, regular ang pulong ukol sa COC kayat hindi natapos ang mga negosasyon.
Dagdag pa ng opisyal may mga isyung teknikal na kailangan plantsahin
Bukod sa Pilipinas, kasama din sa pagbalangkas ng COC ang siyam pang miyembro ng ASEAN, gayundin ang China.
Magugunita na sa katatapos na 25th ASEAN-China Summit, nanawagan si Pangulong Marcos Jr., ng mabilis na paggawa ng COC.
Layon ng COC na mapanatili ang kapayapaan at mawala ang mga tensyon kaugnay sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.