Hiniling ng minoriya sa Senado na obligahin ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga kinauukulang ahensiya na magsumite ‘work plan’ kaugnay sa paggasta ng kanilang intelligence o confidential funds (CIFs).
Sinabi nina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ang ‘work plan’ ay maaring pagbatayan kung maayos ang paggamit sa CIFs.
Ayon kay Pimentel. bago ang konsepto ng ‘work plan’ at tiwala siya na makakatulong ito para gamitin na basehan kung may pang-aabuso sa paggamit ng CIFs.
Naniniwala din ang senador na maari din itong pagbasehan kung kapos o malaki ang naibigay na CIFs.
Bukod sa ‘work plan,’ pagbabasehan din sa mga susunod na paglalaan ng pondo ang ‘accomplishment report’ na isusumite sa Commission on Audit (COA) ng mga ahensiya na binigyan ng CIFs.