178 pamilya na nasunugan sa Manila, inayudahan ng NHA

By Chona Yu November 25, 2022 - 08:29 AM

(Courtesy:NHA)

 

Aabot sa P4.99 milyong ayuda ang ipinamigay ng National Housing Authority sa 178 na pamilya na nasunugan sa Manila.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, tig P30,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya sa Canonigo St., Brgy. 823, District V, Paco, Manila.

Ayon kay Tai, galing ang pondo sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.

Sa ilalim ng naturang programa, bibigyan ng ayuda ang mga pamilya na nasa low-income at marginalized sector na nabiktima ng kalamidad.

Nabatid na simula nang maupo sa puwesto si Tai, umabot na sa P2.424 bilyong EHAP funds ang naipamahagi na.

Binisita na rin ni Tai ang mga pabahay sa ibat ibang bahagi ng bansa.

 

 

 

TAGS: ayuda, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer, ayuda, news, NHA, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.