37 miyembro ng CPP-NPA sumuko

By Chona Yu November 24, 2022 - 08:26 PM
Nagbalik loob na sa pamahalaan ang 37 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army. Sumuko ang mga rebelde sa kay National Capital Region Police Office chief Brig. General Jonel Estomo sa sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Pangako ng mga rebelde kay Estomo, magiging tapat na sila sa pamahalaan. Kasabay nitl, isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril at mga bala. Pinunit din ng mga rebelde ang bandila ng CPP-NPA hudyat ng pagbabagong buhay sa tulong ng pamahalaan. Ayon kay  Lorba Serapil,43, tubong Aurora, Quezon na sumanib siya sa kilusan na inakalang mababago ang kanyang buhay subalit naging  kabaligtaran ito sa kanyang naranasan sa kabundukan. Mas lalo siyang nakaranas ng “kalbaryo” sa ilalim ng pamumuno ni kumander Sinag ng Silangan- MIMAROPA Command na naging ugat upang talikuran ang maling paniniwala. Sa kabila nito, binigyan ni Estomo ng food package at cash money ang mga dating rebelde. Nangako din ang pamunuan ng NCRPO na bibigyan nila ng livelihood projects ang mga sumukong rebelde.

TAGS: Estomo, NCRPO, news, Radyo Inquirer, rebelde, Estomo, NCRPO, news, Radyo Inquirer, rebelde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.