Aabot sa 234 na persons deprived of liberty o bilanggo ang nakalaya na ngayong araw.
Ayon sa Bureau of Corrections, sa naturang bilang, 128 na bilanggo ang lumaya mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Nasa 47 na bilanggo ang lumaya mula sa Davao Prison and Penal Farm habang 21 naman ang nakalaya saa Correctional Institute for Women.
Nabatid na sa 234 na nakalaya, 106 ang nabigyan ng parole habang ang 104 naman ay nakapagsilbi na ng maximum sentence with Good Conduct Time Allowance.
Labing dalawa naman sa mga bilanggo ang na-acquit sa kaso.
Dumalo sa culminating program sina Public Attorneys Office chief Persida Acosta at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Matatandaan na noong Setyembre, 350 na bilanggo ang pinalaya na ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.