Nagpadala na ang Pilipinas ng note verbale sa China.
Ito ay para pagpaliwanagin ang China sa nangyaring insidente sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea kung saan inagaw umano ng Chinese Coast Guard ang rocket debris na nakuha ng Philippine Navy.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, gumawa na ng aksyon ang kanilang hanay at naipadala na ang note verbale sa China.
Humihingi aniya ang Pilipinas ng klaripikasyon kaugnay sa naturang insidente.
Nais kasi aniya na marinig ng Pilipinas ang panig ng China.
Sinabi pa ni Manalo na patuloy na naka-monitor ang Pilipinas sa sitwasyon sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.