Mga mangingisda sa Masinloc at Navotas nagpapatulong kay Pangulong Marcos
Nagpasaklolo na kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mangingisda sa Masinloc, Zambales at Navotas.
Ito ay dahil sa nakararanas na ng pagkagutom ang mga mangingisda dahil sa nararanasang panggigipit ng China.
Ayon sa grupong Nagkakaisang Mangingisda Laban sa Gutom, dapat na gumawa ng kaukulang hakbang at polisiya ang pamahalaan para matulungan ang mga mangingisda.
Dapat din ayon sa grupo na magkaroon ng batas para panatilihin ang paninindigan sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagsagawa ng caravan ang grupo mula sa Boy Scout Circle sa Quezon City patungo sa Liwasang Bonifacio sa Manila.
Ipinapawagan ng grupo sa Pangulo na pagtuunan ng pansin ang hinaing at kapakanan ng mga mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.