Suporta ng Globe sa MSMEs sigurado ngayon Pasko

By Jan Escosio November 24, 2022 - 01:14 PM

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Muling ikakasa ng Globe Telecom ang Gift Local para suportahan ang mga maliliit na negosyo ngayon Kapaskuhan. Mula noong 2017, ang tradisyonal ng suporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay para sa mga hamon sa pagnenegosyo, tulad ng pagpapakilala ng kanilang mga produkto o serbisyo sa mas malawak na merkado. “We host Gift Local every year to serve not just a platform for MSMEs to reach more customers during Christmas, but also as a means to make them experience the lasting impact of digital innovations in growing their business,” sabi ni Angie Po, Product Marketing Head ng MSME Group – Globe Business. Ang Gift Local Live Selling ay isasagawa alas-7:30 ng gabi sa darating na Disyembre 2 sa pamamagitan ng Globe Business Facebook page. Ilan lamang sa mga tampok na MSMEs ay ang Kapelipino, Daniel Baker, OLLOCAL PH, Lumi Candles, Big Al’s, Bayongciaga, Artisanat Handmade, Kurimu, Magkawasa Beauty and Wellness, OPC, Witty Will Save The World, Michee Mich, Terralane Ph, Cubo Essentials at Habi Lifestyle. Magagamit nila ang ChatGenie, na tutulong sa kanila na mapalakas ang kanilang negosyo online ngayon Kapaskuhan. Ito at isang In-App Commerce Platform na magiging daan sa pagkuha ng orders sa pamamagitan ng Facebook, Instagram, Viber at GLife sa GCash. “This time of the year accounts for the highest sales for business and we want to make sure our MSMEs are able to make the most out of this season. And this is why we continue to rally shoppers to support our local businesses through Gift Local,” dagdag pa ni Po.

TAGS: Buy local, Christmas, Globe, MSMEs, online, Buy local, Christmas, Globe, MSMEs, online

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.