Bersamin, Diokno lusot na sa CA

 

Lusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Finance Secretary Benjamin Diokno.

Si Bersamin ang unang isinalang ng CA.

Nabatid na si Senate Pro Tempore Loren Legarda ang nag-rekomenda na agad na aprubahan ang appointment ni Bersamin.

Ayon kay Legarda, kilala niya si Bersamin at wala nang rason para patagalin pa ang proseso ng kanyang appointment.

Agad din namang inaprubahan ng CA ang appointment ni Diokno.

Sinuspendi naman ng CA ang ad-interim appointment ni Commission on Audit Chairperson Gamaliel Cordooba.

Kinwestyun kasi ng mga miyembro ng CA ang ginawa ni Cordoba nang siya pa ang pinuno ng National Communications Commission na ipasara ang ABS-CBN.

 

Read more...