Ilang Noche Buena goods tumaas na ang presyo – DTI
Halos isang buwan bago ang araw ng Pasko, ilang pagkain na karaniwang inihahanda sa Kapaskuhan ang tumaas ang presyo, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon sa kagawaran, nakapagtala na sila ng pagtaas ng presyo sa ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at creamer.
Sinabi pa ng DTI na 195 sa 223 bilihin na may suggested retail prices (SRPs) ang tumaas din ang halaga.
Halos 100 sa mga ito ay tumaas ang halaga ng isa hanggang 10 porsiyento.
Naglabas na ang DTI ng bagong guide ng SRPs ng mga nabanggit na bilihin para alam ng mga konsyumer ang halaga ng mga ito sa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.