Tinanggal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang partido-pulitikal ni Pangulong Marcos Jr., si dating Executive Secretary Vic Rodriguez dahil sa mga ‘questionable practices’ at ‘disloyalty.’
Si Rodriguez ang executive vice president ng PFP.
Sa inilabas ba desisyon ng partido, na may petsa na Nobyembre 11, inalis nila si Rodriguez dahil sa ‘lost of trust and confidence’ at ‘acts inimical to the party.’
Nabatid na walang kinalaman si Pangulong Marcos Jr., sa pagsipa kay Rodriguez kay PFP, bagamat hindi na rin diumano ito tumutol nang inilatag sa kanya ang desisyon.
Kabilang sa mga dahilan nang pagsipa kay Rodriguez ay ang pagtalaga kay Christopher Pastrana bilang general manager ng Philippine Ports Authority. Nabatid na si Pastrana ay nagmamay-ari ng isang ferry company at ang misis ng kanyang business partner ay kaanak ng misis ni Rodriguez.
Labis din ikinasama ng loob ng PFP ang kabiguan ng ilan sa kanilang mga miyembro na mabigyan ng puwesto at sinisi nila si Rodriguez ukol dito.
“Respondent as the Executive Vice President of the PFP was supposed to be our champion in the appointments process, placed by the President in the Selection Committee to protect the interests of his party mates. Unfortunately, respondent put the PFP down. And that is an understatement, because in truth respondent became PFP’s tormentor,” ayon pa sa partido.