Finance Secretary Benjamin Diokno hindi sisibakin ni Pangulong Marcos

 

Fake news. Ito ang maiksing tugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ulat na sinibak na sa puwesto si Finance Secretary Benjamin Diokno. Sa ambush interview sa anibersaryo ng Civil Service Commission sa Philippone International Convention Center sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na nakabuo na siya  ng great team o magagaling na economic team. Wala na aniyang dahilan para magpalit pa ng tauhan sa gitna ng karera. Nasa tamang landas na anjya ang administrasyon sa pagkamit sa mga hangarin na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino. “I don’t know where it comes from. Why would I do that? We’ve assembled a great team. At saka, we’re trying to go down a certain direction. It’s the wrong — it’s a very, very poor time to, as I say, change horses in midstream,” pahayag ng Pangulo. Una nang napaulat na aalisin sa puwesto si Diokno at ipapalit si Albay Congressman Joey Salceda bagay na pinabulaanan ng Pangulo.

Read more...