Villar SIPAG waste composting project tumanggap ng global enviromental award
Iginawad sa pamilya nina dating Senate President Manny Villar at Senator Villar ang isang natatanging pagkilala mula sa gobyerno ng Austria sa 23rd Energy Globe Foundation Awarding Ceremony sa Las Pinas City.
Ibinigay sa SIPAG Villar ang ‘Certificate of Honor’ para sa Energy Globe, ang world award for enviromental sustainability, dahil sa Las Pinas Kitchen Waste Composting Project.
Sa proyekto ang mga ‘biogradable waste’ mula sa kusina o pagkain ay kinokolekta at ginagawang abono sa mga composting facility, bago ipinamamahagi sa mga grupo, magsasaka at pribadong indibiduwal.
Ang karangalan ay tinanggap ng mag-asawang Villar, kasama ang kanilang mga anak na sina Sen. Mark Villar, House Deputy Speaker Camille Villar at Vista Land CEO Paolo Villar mula kina Austrian Ambassador to the Philippines Johann Brieger at Commercial Counselor of the Embassy of Austria in the Philippines Christina Stieber.
Sinabi naman ni Sen. Villar isang malaking karangalan para sa kanilang pamilya na tanggapin ang itinuturing na ‘world’s most prestigious environmental award.’
Ibinibigay ang pagkilala sa mga bansa kung saan ipinatutupad ang isang proyekto sa pakikipag-ugnayan sa Austrian Chamber of Commerce at United Nations Industrial Development Organization (UNIDO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.