Sec. Manuel Bonoan lusot na sa CA

Wala ng balakid at ganap nang magagawa ni Secretary Manuel Bonoan ang kanyang mga trabaho  bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inaprubahan na sa plenaryo ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang ad interim appointment.

Si CA Majority Leader Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nag-mosyon na aprubahan na ang appointment ni Bonoan hanggang sa plenaryo.

Natanong lamang si Bonoan ni Sen. Grace Poe ukol sa ‘big ticket’ items ng administrasyong-Marcos Jr., at tugon ng kalihim, ipinagbilin sa kanya na tutukan ang National Road System at pag-ugnayin ang mga rehiyon para sa madali na pagbiyahe.

Apatnaput apat na taon sa DPWH si Bonoan, bago naging consultant sa San Miguel Corp., kasunod nito ay pinamunuan niya ang tatlong sub-companies ng naturang korporasyon.

Read more...