VP Sara, US VP Harris nag-usap ukol sa edukasyon, trabaho at seguridad
By Jan Escosio November 22, 2022 - 07:59 AM
Nakapagpulong na sina Vice President Sara Duterte at US Vice President Kamala Harris.
Ilan sa napag-usapan ng dalawa ay ukol sa edukasyon, trabaho at seguridad.
Ibinahagi ni Duterte kay Harris ang kanyang plano para pagtibayin ang blended learning system sa bansa.
Ipinaliwanag nito sa bumisitang opisyal ng Amerika ang naging epekto ng COVID 19 pandemic sa edukasyon, partikular na ang naranasang hirap sa pag-aaral ng mga bata.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President, sinabi na humanga si Harris kay Duterte dahil bukod sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay ito din ang nagsisilbing kalihim ng Department of Education.
Sa bahagi naman ni Harris, tiniyak nito kay Duterte ang kahandaan ng US na suportahan ang Pilipinas laban sa mga panlabas na puwersa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.