Sen. Risa Hontiveros ibinunyag ang plano ng Chinese human trafficking syndicate

By Jan Escosio November 22, 2022 - 07:52 AM
Nagbigay ng privilege speech si Senator Risa Hontiveros at ibinunyag niya ang plano ng isang Chinese human trafficking syndicate. Ayon kay Hontiveros balak ng sindikato na mambiktima din sa pamamagitan ng investment fraud. Ibinahagi ng senadora ang testimoniya ng isa sa 12 OFWs na nailigtas na pinag-apply sa high-paying jobs sa Thailand, ngunit dinala sa Myanmar bilang ‘scammer.’ Sinabi pa nito na ang mga Filipino ay hindi binayaran o pinakain at pinagbantaan pa kapag hindi ginagawa ang kanilang mga trabaho. Ibinunyag din ni Hontiveros paano nakakapanloko ang sindikato sa pamamagitan ng crypto currency. Aniya, pinili ng sindikato ang mga Filipino dahil sa kanilang kakayahan na makapagsalita ng Ingles. “This is of extreme importance and urgency. These Chinese mafias are making the Philippines an incubator of scammers,” diin nito, sabay dagdag; “We are not and will never be known as a nation of scammers. Umapila siya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na pagtuunan ng pansin ang isyu. Kasabay nito, pinasalamatan niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang 12 OFWs sa kanilang katapangan kayat naging matagumpay ang pagligtas sa kanila.

TAGS: chinese, fraud, human trafficking, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, syndicate, chinese, fraud, human trafficking, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, syndicate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.