50 BIFF members sumuko, nagbalik-loob sa gobyerno
Pinangakuan ni Interior Secretary Benhur Abalos ng tulong ang 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko at nagbalik-loob sa gobyerno. Nagbilin din si Abalos na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno sa mga tinaguriang former violent extremists (FVEs) para sa kanilang pagbabagong buhay. Aniya ang tulong at suporta ay alinsunod sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), gaya ng pangkabuhayan, edukasyon, pabahay at medical assistance. Nabanggit ni Abalos na 611 dating rebelde at kanilang pamilya ang tumanggap ng P45.79 milyong halaga ng tulong sa kanilang pagsuko simula noong nakaraang Hulyo. Isinuko din ng mga dating terorista ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril, na may katapat din na halaga sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.