UPDATE!!! P2.15/L bawas sa diesel, P0.40/L naman sa gasolina

By Jan Escosio November 21, 2022 - 09:35 AM

Simula bukas, bababa ng P2.15 ang halaga ng kada litro ng diesel, samantalang P0.40 naman sa kada litro ng gasolina.

Ang kerosene, P2.10 kada litro ang matatapyas sa halaga.

Ang Caltex at Cleanfuel ay magpapatupad ng price rollback mamayang alas-12:01 ng madaling araw, samantalang ang iba pang kompaniya ng langis ay bukas ng ala-6 ang pagbawas sa presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo.

Ito na ang ikatlong linggo nang pagbaba ng halaga ng diesel, samantalang ipapatupad ang pagbawas sa halaga ng gasolina matapos ang dalawang linggo na sunod na pagtaas.

Una nang kinumpirma ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad ang ‘price rollback.’

Ang paggalaw sa presyo ay bunga nang mahinang pangangailangan ng China, ang top oil importer.

TAGS: China, diesel, gasoline, oil price hike, China, diesel, gasoline, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.