Pangulong Marcos Jr., pinasalamatan ang OFWs sa Thailand

By Jan Escosio November 21, 2022 - 09:22 AM

Matapos ang kanyang pakikibahagi sa mga aktbidad sa nakalipas na 29th APEC Summit, hinarap at nakipag-diyalogo si Pangulong Marcos Jr., sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Bangkok, Thailand.

Naganap ang pagbisita noong Sabado, Nobyembre 19, at kasama ni Pangulong Marcos Jr., ang ilan sa mga kabilang sa kanyang opisyal na delegasyon.

Sa kanyang pakikipag-usap sa OFWs, pinasalamatan ang mga ito ng Punong Ehekutibo sa karangalan na kanilang ibinibigay a bansa dahil sa kanilang pagsusumikap sa trabaho.

Gayundin sa kanilang mga ambag at suporta sa gobyerno.

Ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr., ang mga plano ng kanyang administrasyon sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

Bukod dito, tiniyak nito ang tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa OFWs para mapangalagaan ang kanilang kapakanan.

TAGS: apec, economy, OFWs, thailand, apec, economy, OFWs, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.