US Vice President Kamala Harris dumating sa Pilipinas
Kasalukuyang nasa bansa si US Vice President Kamala Harris.
Ala-6:52 kagabi nang lumapag sa NAIA si Harris sakay ng Air Force Two.
Sinalubong siya nina Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, Pasay City Rep. Antonino Calixto at Pasay City Mayor Emi Rubiano-Calixto at iba pang opisyal ng gobyerno.
Ngayon araw ay unang makikipagpulong si Harris kay Bise Presidente Sara Duterte na susundan ng bilateral meeting kay Pangulong Marcos Jr.
Inaasahan na matatalakay sa pulong nina Pangulong Marcos Jr. at Harris ang pagpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa ukol sa seguridad at pagpapatibay ng ugnayang pang-kalakalan.
Bibisita din si Harris sa Palawan, na malapit sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Kasama ni Harris na dumating sa bansa si US Second Gentleman Douglas Emhoff.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.