Bibisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Vietnam.
Ito ay base na rin sa imbitasyon ni Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc.
Nagkaroon ng pag-uusap ang dalawa sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na ginaganap sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa Pangulo, makikipag-ugnayan na lamang ang kalihim ng Department of Foreign Affairs sa embahada ng Vietnam para ayusin ang iskedyul.
Sinabi pa ni Phuc na strategic partners ang Vietnam at Pilipinas.
Marami aniyang isyu ang dapat na pag-usapan ang dalawang bansa.
Una nang inimbitahan si Pangulong Marcos sa state visit sa Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.