2 kolehiyala timbog sa ‘textortion’ sa nursing student
Naaresto sa entraoment operation ng Manila District Anti-Cybercrime Team ang dalawang kolehiyala dahil sa pangongotong sa isang 4th year Nursing student.
Kinilala ang dalawang naaresto na sina Maribelle Marasigan at Kashmir Paula Villadolid, na kapwa mahaharap sa mga kasong illegal access, robbery with intimidation, at grace coercion.
Pinagbantaan ng dalawa ang biktima na ibubunyag ang mga pribadong mensahe at larawan ng kanyang dating kasintahan gamit ang pangalan na Louisse Castillo.
Nagkaroon ng access ang dalawa sa mga pribadong larawan ng biktima at dating kasintahan nang hiramin nila ang mobile device ng huli.
Nabatid na kaibigan nina Marasigan at Villadolid ang dating kasintahan ng biktima.
Nanghingi ng P30,000 ang dalawa mula sa biktima kapalit nang pagbura sa mga mensahe at larawan.
Lingid sa kaalaman ng dalawa, nagpasaklolo na ang biktima sa mga pulis kayat naikasa ang entrapment operation sa Malate, Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.