1,774 bagong COVID 19 cases naitala ng DOH

By Jan Escosio November 18, 2022 - 07:32 PM

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayon araw ng Biyernes ng bagong 1,774 Covid-19 infections sa bansa.

Bunga nito, may 19,267 aktibong kaso sa bansa sa ngayon.

Sa nakalipas na dalawang linggo, 3,351 ang naitala sa Metro Manila, ang pinakamataas at sinundan ito ng Calabarzon sa bilang na 1,984.

Pangatlo naman ang naitalang 1,512 sa Western Visayas, may 1,165 sa Central Luzon at 1,058 sa Central Visayas.

Sa kabuuan, 4,023,798 ang naitalang kaso sa bansa, 3,940,073 ang gumaling at namatay naman ang 64,458.

Nagpapatuloy ang panawagan ng kagawaran na magpabakuna ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit at magpaturok na rin ng booster shot.

 

 

TAGS: COVID-19, doh, Metro Manila, COVID-19, doh, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.